I really miss TAMFAM.... thank you for providing me the opportunity to become a better person that I am now....
Hindi niyo alam kung papaano niyo ako napasaya at kung papaano niyo naparamdam sa akin na marami pala akong kayang gawin na hindi ko man lang nasubukan dati... Maraming salamat!
Sa mga susunod pang henerasyon naway magpatuloy kayo sa pagmamahal sa TAMVOL .
Gawin niyo itong isang inspirasyon para matuto sa mga bagay na hindi niyo matututunan sa apat na sulok ng kwarto ng ating unidersidad...
Gawin niyo itong paraan upang mas makilala niyo ang inyong sarili at upang mas makita niyo ang kagandahan ng buhay at ng mga simple at maliliit na bagay sa paligid niyo upang mas mapangalagaan at mapalahagahan ang mga ito...
Ang TAMVOL ay hindi pagaari ninuman.
Ang TAMVOL ay Ikaw at katulad ng TAMVOL walng nagmamay-ari sayo...
Katulad ng buhay mo ito ay mahalaga...
Ngunit ang halaga nito ay hindi matatapatan ng kahit na anong mamahaling material na bagay...
Katulad ng buhay mo ito ay isang regalo.
Ito ay isang regalo na dapat mong ibahagi sa lahat.
Isang Regalong hindi mo man makita pero mararamdaman mo...
Dapat matutunan mo itong pahalagahan at mahalin ng tapat katulad ng pagpapahalaga at pagmamahal mo sa buhay mo at sa mga taong nagmamahal sa iyo ng totoo.
Maniwala ka sakin darating ang panahon maiisip at masmaiintindihan mo ang sinasabi ko...
At kung parehas naman tayo ng nararamdaman sana ibahagi mo ito sa iba...
dahil ang pagbabahagi ng mga bagay na iyong natutunan sa buhay,
Ito ay magbibigay ilaw at direksyon sa mga taong nagaanatay lang ng pag-gabay ng isang taong katuald mo...
bakit ko ito nasabi?! kasi dati ako din akong nasa kalagayan nila... ;-)